Nagpaabot ng mensahe si House Speaker Lord Alan Velasco sa mga katoliko kristiyano sa pagdiriwang ng linggo ng palaspas ngayong araw na siyang tanda ng pagsisimula ng Semana Santa.
Ayon kay Velasco nakikiisa ito sa nasabing pagdiriwang at nawa’y sa pamamagitan ng pagninilay sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus ay magdulot aniya ito ng ng higit na kamalayan sa walang hanggan at walang kondisyong pag-ibig ng Diyos.
Dagdag pa ni Velasco isama rin aniya sa dasal ang kapayapaan sa mundo at matapos na ang pandemyang Covid-19.