Hindi na nagtaka si political analyst Professor Ramon Casiple sa pagpapalit ng pinuno sa kamara.
Subalit sinabi sa DWIZ ni Casiple na mayroong implikasyon ito na higit pa sa pagpapalit ng House Speaker lalo na’t mag-e-eleksyon.
Kabilang, ayon kay Casiple, sa mga implikasyong ito ay kung sinu-sino ang mga tatakbo sa 2022 presidential elections o pasok pa rin ba sa kampo ng Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano.
Matter of time lang ‘yan. Nagkaroon ng special session, nagkaroon ng botohan, so, hindi ako nagtataka, kaya lang, syempre, may mga implikasyon ‘yan, kaya ‘yun ‘yung dapat nating bantayan kasi may eleksyon na parating,” ani Casiple. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas