Walang legal na basehan ang umano’y pagbabahay-bahay ng mga pulis-Quezon City para magsagawa ng drug test.
Binigyang diin ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pagharap niya sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa budget ng ahensya sa susunod na taon.
Gayunman nilinaw ni Aguirre na boluntaryo lamang ang pagsasalang sa drug test ng mga residente ng Quezon City.
Kinontra naman ito ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na nagsabing hindi na makakatanggi ang residente kung malinaw na pinupuwersa ang mga ito sa sumailalim sa random drug test.
Sinabi ni Aguirre na may consent ang naturang hakbang at walang reklamo laban dito ang nakakarating sa kaniyang tanggapan.
By Judith Larino
SMW: RPE