Ipa-prayoridad na ng gobyerno ang house-to-house, mobile COVID-19 vaccination at pagtuturok ng booster.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ay dahil naabot na ng bansa ang tinatawag na inflection point, kung saan ang daily output ay sumadsad sa halos 500,000 doses na bakuna kada araw, kumpara sa tinatayang 1 million.
Base sa datos ng National Vaccination Operations Center, mahigit 62.5 million Filipino na ang fully vaccinated.
Aminado naman si Galvez na mababa pa rin ang bilang ng mga tinuturukan ng booster kaya’t hiniling na nila ang tulong ng private sector.