Plano ng Marikina City Government na mapataas ang bilang ng mga fully vaccinated individuals partikular na sa mga senior citizen sa kanilang lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, nagkasa na sila ng house to house na pagbabakuna kontra Covid-19 kung saan, nagpakalat na sila ng mga tauhan na susuyod sa mga Home Care o mga nakatatandang miyembro sa lungsod.
Sinabi ni Teodoro na pinag-aaralan na rin nila kung maaaring isabay sa pagbabakuna ang pamamahagi ng birthday benefits para sa mga senior citizen.
Sa pinakahuling datos ng Marikina LGUs, 124.5% na ang fully vaccinated sa A2 category o mga senior citizen; 90.68% naman sa mga ito ang tumanggap na ng 1st booster shot habang nasa 41.47% naman ang nakatanggap na ng 2nd booster shot.