Pagpapamahagi ng ayuda sa Pasig City ibibigay sa mismong bahay para maiwasan ang mahabang pila at kumpulan ng mga residente.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, nagkasa siya ng 40 na grupo na bibisita sa mga bahay ng mga kwalipikadong indibwal na makatatanggap ng pinansyal na tulong.
Sinisigurado naman ng alkalde na magiging smooth at ligtas ang pamamahagi ng ayuda kahit na nakasailalim pa sa enhanced community quarantine (ECQ) ang NCR Plus bubble.
Dagdag pa niya, ang pagbisita kada bahay ay hindi iaanunsyo para mapigilan ang pagkukumpulan ng mga tao na nagnanais makatanggap nito.
Aabot sa may 681, 743 mga residente sa lungsod ng Pasig ang bibigyan ng ayuda.
Magugunitang hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na sikaping matapos ang pamamahagi ng ayuda sa loob ng 15 araw.