Muling isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House-to-House Anti-COVID-19 Vaccination program, partikular sa mga liblib at malalayong lugar.
Tugon ito ng pangulo sa pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mag-e-expire na sa Hulyo ang nasa 27-m doses ng COVID-19 vaccines.
Sa kanyang Talk to the People kahapon, nilinaw din ni Pangulong Duterte na sapat ang supply ng bakuna taliwas sa mga unang balita na sobra-sobra ang mga ito.
Samantala, nanawagan naman ang Punong Ehekutibo sa New People’s Army iwasang saktan ang mga Healthcare worker na magsasagawa ng house-to-house vaccination sa mga malayong lugar.