Aprubado ng Department of Health (DOH) ang hirit ng ilang Metro Manila LGU na house to house vaccination sa panahon ng ECQ simula Agosto 6 hanggang 20.
Sinabi ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire na malaking tulong ang pagbabahay-bahay para matiyak na bakunado ang mga komunidad.
Higit din aniya itong ligtas dahil iilang tao lamang ang mag iikot o magbabahay-bahay kaysa pumunta ang mga tao sa vaccination sites kung saan may pagkakataong mahaba ang pila.
Bukod dito, binigyang diin ni Vergeire na isinusulong nilang magkaroon ng ligtas na paraan nang pag schedule ng mga bakuna sa vaccination sites para maiwasan ang mga kumpulan bagamat dapat ay magkaroon ng mas malalaking vaccination sites upang masunod ang physical distancing.