Tanging sa mga hindi kakayaning maglakad o makapunta sa vaccination centers ang house-to-house vaccination.
Ayon ito kay Health Undersecretary for Field Implementation and Vaccination Coordination Myrna Cabotaje.
Kaya ang pagbabahay-bahay para magbakuna aniya ay limitado lamang sa mga bedridden, senior citizens at may comorbidities.
Ipinabatid ni Cabotaje na nagpalabas na ang Department of Health D(OH) ng mga panuntunan para sa ligtas na house-to-house vaccination na ginagawa na rin sa mga munisipalidad at lungsod.
Sinabi ni Cabotaje na ang pangkalahatang polisiya sa pagbabakuna ay fixed site tulad ng mga ospital at mga lugar na itinalaga bilang vaccination center.