Puspusan ang pagkakasa ng Malakaniyang ng house to house vaccination ng local government units sa vulnerable at senior citizens bilang pagpapalakas ng vaccination campaign sa labas ng Metro Manila at mga kalapit lalawigan.
Ito ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay dahil kumbinsido ang malakaniyang na ang house to house vaccination ay isa sa mga nakikita nilang epektibong hakbangin para labanan ang COVID-19.
Binigyang diin ni Nograles na ang tagumpay ng vaccination drive ay naka depende sa pagtutulungan ng national government, LGU at publiko.
Una nang inanunsyo ng National Task Force Against COVID-19 na naabot na mabakunahan ang target na 70% ng kabuuang populasyon.