Handa si House Transportation Committee chairman Romeo Acop na imbestigahan ang naganap na technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong linggo.
Ayon kay Acop, suportado niya ang sinumang kongresista na maghahain ng resolusyon upang siyasatin ang isyu.
Interesado aniya siyang malaman kung nagkaroon ng kapabayaan na nagresulta ng aberya sa operasyon ng paliparan.
Samantala, inihambing ni Acop ang nangyari sa sapatos na matapos hindi magamit ng ilang taon ay nagkaroon ng problema nang muling isuot at sa sasakyan, na dalawang taong hindi pinaandar , kailangan nang suriin bago gamitin.
Ibinabala naman ng Kongresista na hindi na magiging katanggap-tanggap kung muling mauulit ang naturang aberya.