Sinimulan nang talakayin ng House Ways and Means Committee ang ika-apat na bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Ang TRAIN 4 ay nakapaloob sa House Bill 8252 na ipinanukala mismo ng bagong pinuno ng komite na si Congresswoman Estrelita Suansing.
Layon ng nasabing panukalang reporma sa buwis na gawing simple at patas ang sistema nang pagpapataw ng buwis sa capital income at financial intermediaries.
Sinabi naman ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na aayusin ng nasabing panukala ang deficiencies sa financial sector.