Iminungkahi ng isang mambabatas ang pagpapatupad ng “household lockdowns” upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, sa halip na magpatupad ng lockdown sa buong street o barangay, mas makabubuti kung ang partikular na tahanan kung saan may miyembro ng pamilya ang nagpositibo ang i-lockdown.
Dito, hindi maaaring lumabas ng bahay ang kahit sino pa sa miyembro ng pamilya kung saan bahay may nagpositibo habang ang COVID-19 patient naman ay dapat dalhin sa quarantine facility para sa isolation.
Ani Quimbo, sa pamamaraang ito, mas mamo-monitor ng lokal na pamahalaan ang COVID-19 cases sa kanilang nasasakupan habang patuloy ang pagbangon ng ekonomiya sa kanilang lugar.