Sasampahan ng kaso ng gobyerno ang mga benepisyaryo ng pabahay sa Iligan City na napapabalitang nagbenta ng kanilang tirahan.
Ayon kay City Information Officer Jose Pantoja, nasa mahigit 800 kabahayan na inilaan para sa mga biktima ng Bagyong Sendong ang ibinenta ng mga benepisyaryo.
Giit ni Pantoja, labag ito sa kasunduan ng Gawad Kalinga na namahagi ng proyekto at ng lokal na pamahalaan na nagsasaad na hindi maaaring ibenta , iparenta at i – develop ang unit.
Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Iligan City na ipamigay ang mga mababawing unit sa mga biktima ng Sendong na hindi pa nare-relocate.