Pinuri ng kamara ang pambansang pabahay program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Para sa mga Pilipino.
Kasunod ito ng inagurasyon ng 11,000 pabahay sa barangay Atate sa lungsod ng Palayan, Nueva Ecija bilang pamaskong handog ng punong ehekutibo at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, buo ang suporta at tiwala ng kamara sa layunin o mithiin at hakbangin ni Pangulong Marcos Jr. na maabot ang target na isang milyong housing kada taon.
Kumpiyansa si Romualdez na mabubuo ng administrasyong Marcos ang anim na milyong housing sa loob ng anim na taon sa tulong narin ng lahat ng stake holders at mga ahensya ng gobyerno.