Inaasahang magkakaroon ng positibong epekto ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na sectoral meeting kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Economic and Development Authority (NEDA), at iba pang mga kaukulang ahensya.
Matatandaang sa ilalim ng 4PH Program, magpapatayo ng kabuuang anim na milyong tirahan ang administrasyong Marcos hanggang 2028.
Ayon sa pangulo, dapat mapanatili ang national housing program upang magkaroon ng tahanan ang bawat Pilipino.
Samantala, nanghingi rin si Pangulong Marcos ng comprehensive risk assessment sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan upang malaman ang posibleng epekto nito sa naturang programa.