Apektado ang construction ng isang P20-M housing project para sa Panay Bukidnon, Indigenous People (IP) dahil sa mega dam project sa Calinog, Iloilo Province.
Ayon kay Jalaur River Multipurpose Project (JRMP-II) Manager Engineer Jonel Borres, ang nasabing pabahay ay para sa inisyal na 35 pamilya ng Panay Bukidnon na nasa 25% na ang construction rate.
Kaugnay nito, ang P11.2-B proyekto ng tatlong magkakahiwalay na dams, na pinangangasiwaan ng National Irrigation Administration (NIA).
Sinisiguro naman ng National Housing Authority (NHA) at NIA-6 na ligtas ang lugar.
Inaasahan na matatapos ang construction ng housing project sa 2022 na kung saan ito rin ang target na araw na matatapos ang pagpapatayo ng tatlong dam. —Sa panulat ni Airiam Sancho