Ibinunyag ni Negros Occidental Rep. Alfredo “albee” Benitez na may milyun-milyong Pisong iregularidad sa housing projects na ginagawa para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Benitez, lumalabas sa ginawang pagdinig ng hawak nitong committee on housing and urban development na ang mga itinatayong housing units ay ginamitan ng substandard na construction materials .
Maliban dito ayon sa mambabatas kumuha pa ng mga hindi kwalipikadong sub – contractors ang mga kinuhang contractors ng gobyerno para gawin ang ilang housing units.
Samantala nais naman ni Leyte Representative Vicente Veloso na panagutin ang mga sangkot sa nasabing housing project at maaaring maharap ang mga ito sa kasong estafa at paglabag sa anti graft and corrupt practices.
By: Arianne Palma
SMW: RPE