Kanselado na ang mga kontrata ng pamahalaan sa ilang mga kontratista na naatasang magtayo ng mga pabahay para sana sa mga nasalanta ng Super Bagyong Yolanda noong 2013.
Ayon sa NHA o National Housing Authority, maliban sa delayed ang pagtatayo ng mga pabahay, mahina at substandard pa ang mga ginamit na materyales dito.
Ayon kay nga Region 8 Director Rizaldy Mediavillo, kabilang sa mga kinanselang proyektong pabahay ay sa mga lalawigan ng Samar, Eastern Samar at Leyte na pinaka-hinagupit ng nasabing kalamidad.
Giit pa ni Mediavillo, bigo ang mga kontratista na itayo ang mga naturang pabahay sa itinakda nilang panahon upang ganap na itong mapakinabangan ng mga nasalanta ng kalamidad na halos limang taon nang naghihintay ng disenteng masisilungan.