Nakatutok ang gobyerno sa programang pabahay.
Ito ang tiniyak ni Sec. Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD sa programang Malacañang Insider.
Sa katunayan, sinabi ni Acuzar na tuloy-tuloy ang itinatayong housing projects ng pamahalaan.
Kailangan lang aniyang maghintay dahil hindi maaaring madaliin ang mga gusali na kadalasang inaabot ng dalawa at kalahating taon ang construction.