Lalo pang bumaba ang pondong nakalaan sa housing sector ngayong taong ito.
Ito ang nabunyag sa pagdinig ng senate committee on urban planning housing and resettlement.
Ayon kay Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Dir. Zacharias Abañes, P3-B lamang inilaan ng Deparment of Budget and Management (DBM) para sa 2019.
Ito ay mas mababa kumpara sa P15.3-B na inilaan noong 2017 at P5.5-B naman noong 2018.
Sinabi ni Abañes na naglaan ang DBM ng mahigit P6-B lamang para sa 2020, napakalayo aniya nito sa inirekomenda nilang P49-B.
Dahil sa papaliit ng papaliit na pondo, inaasahan na mahigit 12,000 units lamang ang maipapatayo nito, malayo sa target na mahigit 100,000 pabahay.