Bigo ang New Orleans Pelicans na buwagin ang Western Conference top team na Houston Rockets.
Ito ay makaraang padapain ng Rockets ang Pelicans sa iskor na 130 – 123.
Nanguna sa panalo ng Rockets si Clint Capela na kumana ng dalawampu’t walong (28) puntos.
Habang sinegundahan naman ito ni James Harden na sumikwat ng dalawampu’t anim (26) na puntos.
Samantala, hindi naman sumapat ang tatlumpu’t pitong (37) puntos na ginawa ni Jrue Holiday para buhatin ang koponan ng Pelicans.