Pinatawan ng isang larong suspensyon si Houston Rockets Center Dwight Howard.
Ito ay matapos hatakin ni Howard ang kamay ng referee sa laban kontra Miami Heat.
Maliban dito, pinagmumulta din ng 10,000 dolyar si Howard dahil sa pagbatikos nito sa officiating ng naturang laban.
Ayon sa ulat, hinatak ni Howard ang kamay ng referee ng tagan ito ng foul ng opisyal.
Dahil dito tinawagan ng ika-labindalawa niyang technical foul ngayong season si Howard.
By Ralph Obina
*Photo from: Sports Illustrated