Agad na naharang ng Saudi Air Defense ang pinalipad na ballistic missile ng Houthi rebels mula sa Yemen patungong Riyadh.
Ayon sa report, target sanang pabagsakin ang missile sa katimugang bahagi ng Riyadh kung nasaan naroon ang Al-Yamama Palace na pinagdarausan ng pagpupulong ng mga Saudi leaders.
Wala namang naitalang casualties sa naturang pag-atake.
Samanatala, inamin naman ng Houthi movement na isang Burkan-2 missile ang pinakawalan ng kanilang mga miyembro para asintahin ang capital ng Saudi Arabia.
—-