138 pang houthi rebels ang patay sa walang patid na pag-atake ng Saudi coalition forces sa Yemen.
Kinumpirma ng Saudi Arabia na isinagawa ang airstrike sa nakalipas na 24 oras sa lungsod ng Marib, na kahuli-hulihan umanong balwarte ng Yemeni government, na dinedepensahan ng coalition forces.
Halos araw-araw na ang sagupaan, bombahan at airstrike sa naturang lugar, kaya’t hindi na rin mabatid kung gaano karaming sibilyan ang nadamay o namamatay.
Ayon sa Saudi defense ministry, mahigit 2K rebelde na ang napapatay nang ilunsad ng coalition forces ang operasyon sa lungsod at ilan karatig lugar, simula noong Oktubre.
Ang nasabing military operations ay bahagi ng pitong taong civil war sa Yemen na ikinasawi na ng 100K katao, kabilang ang nasa 12,000 sibilyan.—mula sa panulat ni Drew Nacino