Sisimulan na ng MMDA o Metro Manila Development Authority sa Miyerkules, Agosto 15 ang dry run para sa planong HOV o High Occupancy Vehicle Traffic Scheme.
Ito’y ang pagbabawal sa mga sasakyang tanging driver lamang ang sakay na babagtas sa kahabaan ng EDSA tuwing rush hour.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, gagawin ang dry run mula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at susundan naman mula 6:00 hanggang 9:00 ng gabi.
Isasabay na rin dito ang pagbabawal sa provincial bus na dumaan din sa EDSA sa nasabing mga oras upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa nasabing kalsada
Sa panayam naman ng DWIZ, umapela sa publiko si MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago na bigyang pagkakataon ang kanilang mga panukala para masoluyunan ang malalang problema ng trapiko sa kalakhang Maynila partkular na sa EDSA.
Ano muna tayo dito, magkakaibigan muna tayong lahat dito kasi we’re looking for one solution. Yung iba ho kasi may selosan. “Bakit kaming pinag-iinitan niyo? Mga pampublikong sasakyan eh yung mga motor”, eh kaya nga may motorcycle lane para sa kanila eh. Yung mga private naman, “bakit yung mga private?”. Ang gusto lang ho nating ipaliwanag dito, lahat tayo magsasakripisyo. Yung provincial bus ban, effective by August 15, maapektuhan ho yung mga commuters niyan, ikaw na naka kotse, kumportable. Konting sakripisyo lang. Grabe naman yun. Subok lang po muna. Pag hindi naman effective, by at the end of the day, kayo parin namang publiko ang mananalo eh.
(Todong Nationwide Talakayan interview)