Idinepensa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang high occupancy vehicle o HOV program ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ayon kay Bautista, hindi naman natatapos sa HOV at ban ng provincial bus ang solusyon ng MMDA sa malalang lagay ng trapiko lalo na sa EDSA.
Ipinaliwanag ni Bautista na habang gumagana ang short term na solusyon ng MMDA ay umaandar naman ang middle term at long term solutions tulad ng paghahanap ng mga kalsada na puwedeng alternatibong daanan, pagbubukas ng mga terminal ng bus sa labas ng EDSA at pagtatapos ng malalaking highway tulad ng C-6 na magmumula sa Laguna hanggang Batasan via Rizal.
Matatandaan na mayroong resolusyon ang Senado na humihiling na ikansela ng MMDA ang HOV.
“I think hindi na nasa kamay ‘yan ng MMDA traffic management, dapat ‘yan may mga nagsu-suggest na dapat pumasok na ang DOLE doon sa 4-day work week, ako naman naisip ko puwede sigurong i-suggest sa DepEd o CHED na sa school sectors ibahin natin ang school schedule basta masunod lang ‘yung requirement na 10-month school year.” Pahayag ni Bautista
(Ratsada Balita Interview)