Pinaplanong ipagbawal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga bata ang usong laruang hoverboard.
Ayon kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, ito ay dahil sa maraming ulat na mga aksidente sa ibang bansa ng pagsabog ng baterya nito.
Alinsunod sa Toy Safety Regulation hindi dapat lumampas sa 24 volts ang mga electronic toys para sa mga 14 anyos pababa.
Gumagamit ang hoverboard ng hindi bababa sa 36 volts na baterya kaya‘t pinag-aaralan nito ng label na nagsasabing maaari lamang itong gamitin ng mga edad 14 pataas.
Kasalukuyang iniimbetsigahan ng DTI at Department of Health (DOH) ang laruang hoverboard at ang mga posibleng pinsalang idulot nito.
Ecowaste
Samantala, umapela ang grupong Ecowaste Coalition na ipagbawal ang paggamit at pagbebenta ng hoverboard.
Ayon sa grupo, ito ay habang hindi pa nareresolba ang mga isyu laban dito tulad ng pagkasunog at pagsabog nito.
Kasabay nito nagbigay ng ilang tips ang grupo para sa mga gumagamit na ng naturang two wheel scooter.
Huwag itong i-charge ng magdamag at huwag din itong i-charge pagkagamit sa halip ay hayaan muna itong lumamig bago isaksak.
Pinayuhan na i-charge ito sa open area at huwag itabi sa mga bagay na madaling masunog tulad ng kurtina at mga papel.
By Rianne Briones