Inamin ni PNP-HPG Director Chief Supt. Arnold Gunnacao na hindi pa lubusang mararamdaman ang epekto nang paglilinis sa mga nakahambalang sa Mabuhay Lanes.
Ito ayon kay Gunnacao ay kahit pa nasuyod na nila ang 17 ruta ng Mabuhay Lanes.
Paliwanag ni Gunnacao, maraming motorista ang hindi pa nakakaalam na maaaring daanan ang Mabuhay Lanes bukod sa EDSA.
Ito aniya ang dapat nilang mapagtuunan ng pansin na iisa-isahin nila sa media para mabatid ng mga motorista at maiwasan ang pagsisiksikan ng mga sasakyan sa EDSA.
By Judith Larino | Jonathan Andal