Nilinaw ni Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Chief Supt. Arnold Gunnacao na ang lokal na pulisya pa ng mga lungsod, ang nanghuhuli sa mga pedicab sa EDSA ngayong araw.
Sinabi ni Gunnacao na ito ay alinsunod sa kahilingan ng mga lokal na pamahalaan bilang bahagi ng kanilang information dissemination.
Ayon kay Gunnacao, sisimulan lamang ng HPG ang panghuhuli sa mga drayber sa Huwebes.
Kapag nahuli, bibigyan ng tiket at pagbabayarin ng P1,500 pesos ang drayber at kapag napatunayan na kolorum ang mga ito maaari din i-impound ang kanilang mga pedicab.
By Katrina Valle | Jonathan Andal