Handa na ang Philippine National Police-Highway Patrol Group o PNP-HPG sa pagsalubong sa Pasko.
Ito’y bunsod na rin ng inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil sa pagdagsa ng maraming biyahero para magbakasyon.
Sa panayam ng DWIZ, muling kinumpirma ni PNP-HPG Director Chief Superintendent Arnold Gunnacao na bawal pa rin ang paghuhukay upang hindi magdulot ng matinding trapiko.
“Mula po noong December 14 ay ipinatigil muna ang mga paghuhukay, maliban po ang mga emergency, DPWH po ang gumagawa” Pahayag ni Gunnacao.
By Jelbert Perdez | Balitang Todong Lakas