Inilabas na ng Human Rights Victims Claims Board ang pangalan ng unang apatnalibong biktima ng human rights abuse na makatatanggap ng nasa dalawampung libong piso bawat isa bilang danyos sa mga pang-aabuso umano ng rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ini-upload na ng board sa kanilang website na www.hrvclaimsboard.gov.ph at kanilang Facebook page ang apatnapu’t limang pahinang listahan ng mga biktima.
Hinati ang listahan sa mga rehiyon at ipinublish sa dalawang tabloid at muling ipapaskil kada linggo.
Ang partial release ng compensation ng apatnalibo mula sa siyamnalibong claimants ay alinsunod sa kautusan ni pangulong rodrigo duterte sa board na simulan na ang pagbabayad sa mga human rights victim.
Itinakda naman sa ikalawang quarter ng taon ang pag-re-release ng nasabing kompensasyon.
By Drew Nacino