Bukas ang Human Rights Watch o HRW sa hirit na imbestigasyon ni International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda kaugnay sa nangyayari umanong patayan sa Pilipinas sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon Duterte.
Ayon kay Param-Preet Singh, HRW’s Associate International Justice Director isa umanong panggulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang development na ito dahil sa kaniyang inaakalang impunity sa mga krimeng ito.
Sakali aniyang maaprubahan, magkakaroon na ng pagasa ang mga biktima at survivor para maabot ang hustisya para sa kanilang naranasang paghihirap sa ilalim ng giyera kontra droga ng kasalukuyang administrasyon.
Batay sa datos ng gobyerno, mula nuong manungkulan si Pangulong Duterte noong 2016 hanggang katapusan ang abril ngayong taon, umabot na sa 6, 117 drug suspects ang nasawi sa isinagawang mga operasyon ng mga awtoridad.