Hinimok ng Human Rights Watch (HRW) ang International Criminal Court (ICC) na ipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni HRW Asia Director Brad Adams na ang pagpaliban nang pag-iimbestiga ng ICC sa drug-war ng Pangulo ay isang delaying tactic umano upang maproptektahan ang mga responsableng opisyal sa malawakang pagpatay.
Matatandaang pansamantalang sinuspinde ng ICC ang pag-iimbestiga makaraang ihiling ng bansa na ipagpaliban ito.
Sinabi ni ICC Prosecutor Karim Khan na alinsunod sa ICC rules of procedure and evidence na hiniling nila sa DOJ na magbigay ng substantiating information para sa request nito ngunit magpasa ngayon wala pang naipapasa ang mga ito. —sa panulat ni Joana Luna