Tiwala si House Speaker Martin Romualdez sa hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na punan ang kakulangan ng maritime industry ng bansa sa pamantayan ng european maritime safety agency.
Tugon ito ni Romualdez matapos ipag-utos ni PBBM ang pagbuo ng advisory board na tututok sa mga kakulangan na tinukoy ng European Union (EU) Sa edukasyon, training at certification system ng Filipino seafarers.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa sidelines ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium, sinabi ng mambabatas na kailangang tumalima ang Pilipinas sa 3-month period.
Kung mabibigo anya ay hindi kikilalanin at mawawalan ng bisa ang certification system ng Pinoy seafarers.
Samantala, tiniyak naman ng kongresista na mayroong “sense of urgency” ang gobyerno sa pagtugon sa nasabing problema kabilang ang pagpasa ng kongreso sa panukalang Maritime Education and Training Act.