Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na direktang banta sa demokrasya ang mga binitiwang pahayag ni Vice Pres. Sara Duterte laban sa kanya, maging kina Pangulong Ferdinand Marcos jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Sa kaniyang talumpati sa kamara, sinabi ng lider ng kamara na walang puwang sa lipunan ang karahasan.
Pinabulaanan din ng house speaker ang akusasyong sinisiraan niya ang pangalawang pangulo para sa kanyang planong pagtakbo sa 2028 elections.
Binigyang diin naman ng lider ng kamara na nais lamang ilihis ni VP Sara ang isyu sa confidential funds ng kanyang tanggapan at department of education.
Kaugnay nito, muling hinamon ni Speaker Romualdez si VP Sara na ipaliwanag ang sinasabing maling paggamit ng confidential funds ng OVP at DEPED.