Nakatakdang sampahan ng kaso si House Speaker Martin Romualdez at dalawa pang mga mambabatas dahil sa sinasabing 241 billion pesos na halaga ng insertions sa 2025 national budget.
Ito ang inanunsyo nina dating House Speaker Pantaleon Alvarez; Senatorial aspirants na sina Atty. Jimmy Bondoc at Atty. Raul Lambino; Atty. Ferdinand Topacio; at, non-government organization na Citizens Crime Watch.
Plano anilang magsampa ng kasong falsification of legislative documents laban kina House Speaker Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, at dating House Appropriations Committee Chairperson at ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co.
Ayon kay Alvarez, ikinagulat nila ang ang nakitang blangkong item sa bicameral report at duda aniya siyang typographical o gramatical error dahil malaking halaga ang 241 billion pesos.
Nabatid na umapela na sa Korte Suprema sina former Executive Secretary at Senatorial aspirant Vic Rodriguez, Cong. Isidro Ungab, at iba pa na ideklarang unconstitutional ang 2025 national budget dahil sa sinasabing iregularidad at mga blank items nito. – Sa panulat ni john riz Calata