Hinimok ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin ang Health Technology Assessment Council (HTAC) na maging mabilis at magpalabas ng napapanahong rekomendasyon hinggil sa mga nasayang na bakuna.
Ang HTAC ay syang independent advisory council ng Department of Health (DOH).
Aniya, ang mandato ng HTAC na nabuo sa ilalim ng Republic Act 11223 o Universal Health Care Act, ay magbigay ng abiso sa DOH at Philhealth kung ano ang dapat na gawing health interventions.
Subalit tila hindi nila nagagampanan ang kanilang mandato dahil sa tagal ng kanilang pagdedesisyon na inaabutan na ng pagka-expire ang mga bakuna.
Ito ang dahilan ani garin kayat inasahan na nilang maraming maaaksayang COVID Vaccine.
Sa katunayan, sa ibang bansa, nagtuturok na aniya sila ng booster shot, habang sa Pilipinas, wala pang ginagawang desisyon ang HTAC hinggil sa kung kailan nila ibibigay ang bakuna. - sa ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)