Inabswelto ng PEZA o Philippine Economic Zone Authority ang HTI o House Technology Industries na may ari ng nasunog na gusali sa General Trias, Cavite.
Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, wala silang nakitang paglabag ng HTI sa kaligtasan sa lugar ng mga manggagawa.
Tumalima naman, aniya, ang nasabing Japanese company sa fire safety at occupational safety na dalawang beses sa isang taon nila ginagawa.
Gayunpaman, nilinaw ni Plaza na sa PEZA level pa lamang ang findings na ito.
Tuloy pa rin, aniya, ang imbestigasyon ng Burea of Fire Protection at scene of the crime operatives sa nangyaring sunog.
By: Avee Devierte / Allan Francisco