Nakakita ng paglabag ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa HTI o House Technology Industries kasunod ng nangyaring pagkasunog ng isa sa mga factory nito sa Cavite.
Ayon kay DOLE Undersecretary Joel Maglunsod, sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ng ahensya ay makikitang lumabag ang kumpanya sa ilang occupational safety and health standards.
Kabilang dito ay ang substandard na fire exit sa pasilidad ng HTI at ang hindi sapat na bilang ng mga doktor para sa labing tatlong libong (13,000) manggagawa nito.
Nakita rin ng mga tauhan ng DOLE sangkot ang contractor ng HTI sa labor – only contracting at iligal pa itong nagkakaltas sa suweldo ng mga empleyado.
Sa kabila nito, papayagin pa rin ayon kay maglunsod ang HTI na ipagpatuloy ang operasyon nito hanggang sa makumpleto ng ahensya ang imbestigasyon nito ngayong buwan.
By Rianne Briones