Tinanggalan na ng access sa Google at Android ang phone maker company na Huawei.
Ito ay bunsod ng patuloy na kinasasangkutang kontrobersiya hinggil sa pang-eespiya, gayundin ang pasiya ni U.S. President Donald Trump na ipagbawal ang Huawei sa Amerika.
Ayon sa Google, hindi na maaaring ma-access ng mga smartphones ng Huawei ang ilan sa kanilang apps o applications at serbisyo tulad ng Youtube at Maps.
Anila, ang maaari na lamang ma-access ng Huawei ay ang public version ng Android.
Iginiit naman ng Google na ang nasabing hakbang ay bilang pagsunod sa kautusan ng U.S Commerce department na naglalagay sa Huawei sa entity list o listahan ng mga kumpanyang hindi na papayagang bumili ng teknolohiya mula sa mga U.S. company.