Tila nais umanong kumpletuhin ni Hubert Webb ang pagpapawalang-sala sa kaniya sa Vizconde massacre case.
Kasunod ito nang pagpalaot ni Webb sa pulitika matapos mag-file kahapon ng kaniyang COC o certificate of candidacy bilang konsehal sa unang distrito ng Parañaque.
Ayon kay Parañaque election officer Kimberly Alzate-Cu, tatakbong independent si Webb na ang kapatid na si Jason ay nasa ikatlo at huling term naman bilang konsehal ng unang distrito.
Magugunitang na-acquit si Webb kasama ang iba pang akusado sa Vizconde case, imang taon na ang nakakalipas.
Ang magkapatid na Webb ay anak ni dating Senador Freddie Webb.
By Judith Larino