Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC Chairman Eduardo Del Rosario na tutukan ang programa ng pabahay sa Marawi City.
Sa pagbabalik ni Pangulong Duterte mula Japan, kanyang inihayag ang mga plano para sa rehabilitasyon ng Marawi City kabilang ang pagtalaga kay Del Rosario para mamumuno sa pagbibigay ng bahay sa mga residente ng lungsod.
Giit ng Pangulo, nais niyang iisa lamang ang maging point person at alisin ang mga paglalagay ng committee.
Ang concern ko ‘yung mahirap and… ang set-up ganito, the defense department is the overall… it should be Defense Secretary Lorenzana, marami naman siyang mga undersecretaries that can work-out something for Marawi then it goes to one-single person.
So that, kapag pumalpak, si Del Rosario ‘yan, ‘pag hindi sa… ayon sa policy ng gobyerno, so, Secretary Lorenzana will answer for it.