Pinangangambahang mauwi sa constitutional crisis ang mga petisyon sa Korte Suprema na humihiling na atasan ang Kongreso na magpatawag ng joint session.
Ito’y para talakayin ang ligalidad gayundin ang constitutionality ng pagdideklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao bunsod ng pag-atake ng Maute Terror Group sa Marawi City.
Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, posible aniya kasing hindi sundin ng Kongreso ang magiging ruling ng Korte Suprema na magdaos ng joint session na una nang ibinasura ng liderato ng dalawang kapulungan.
Kaugnay nito, naniniwala si Sotto na hindi na makiki-alam ang hudikatura sa mga usaping panloob ng lehislatura batay sa isinasaad ng separation of powers sa 1987 constitution.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno