Hinihintay pa ng mga bus operator ang memorandum circular na ipapalabas ng LTFRB para muling makabyahe ang mga provincial buses.
Ito ang inihayag ni Homer Mercado, Director ng South Luzon Bus Operators Associaion matapos ianunsyo ng gobyerno na papayagan na muling makabyahe ang mga provincial bus.
Ngunit ayon kay Mercado wala pang malinaw na ibinababang kalatas ang LTFRB kaugnay dito.
Aniya mabuti nang maging malinaw at tiyak na legal ang muli nilang pagbabalik kalsada.
Kasabay nito, umapela si Mercado sa DOTr na magkaroon ng adjustments sa mga ruta para sa mas maayos na biyahe ng kanilang mga pasahero.