Inilabas na ni retired Supreme Court Associate Justice Roberto Abad ang kanyang rekomendasyon matapos ang isinagawang fact finding investigation laban sa mga hukom na kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa ulat ni Abad sa Korte Suprema, inirekomenda nitong sampahan ng kasong administratibo si Baguio City RTC Branch 1 Judge Antonio Reyes dahil sa katiwalian.
Lumabas kasi sa isang affidavit ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency noong 2007 na nagbayad umano kay Reyes ang isang Paul Black para mabasura ang kaso laban sa kanya.
Samantala, inabsuwelto naman ni Abad ang tatlo pang hukom na kabilang sa narco-list tulad nila Exequil Dagala, Adriano Savilla at Domingo Casiple makaraang mabigo ang mga awtoridad na maglahad ng mga ebidensya na magdiriin sa mga ito sa pagiging protektor ng droga.
By Jaymark Dagala