Laglag sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang hinihinalang opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Mexico, Pampanga.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang suspek na si Jose Esperila Bernardino ay nasakote ng mga awtoridad sa Brgy. Sapang Maisac sa bayan ng Mexico.
Nakumpisa mula kay Bernardino ang isang kalibre .45 baril, isang granada, ilang piraso ng cellphone, sim cards at sari-saring mga dokumento.
Sinasabing dinakip si Bernardino sa bisa ng warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ng isang korte sa Bayombong, Nueva Vizcaya dahil sa kasong rebelyon.
Samantala, ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Police Maj. Gen. Joel Napoleon Coronel, si Bernardino ay nagsisilbi bilang kalihim ng Central Luzon Regional Communist Party Committee, maliban sa ginagampanan nitong papel sa NPA sa rehiyon.