Halos 200 motorista ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa Quezon City at sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Karamihan sa mga ito ay lumabag sa over speeding, number coding, walang lisensya at pagmamaneho nang naka-tsinelas lang na pagsuway sa dress code at hindi pagsusuot ng seatbelt.
Inihayag naman ni MMDA Traffic Operations Head Colonel Bong Nebrija, karamihan sa number coding violators ay nahuli sa gitna ng kalsada.
Samantala, muli naman nagpaalala ang mmda sa mga motorista na sumunod pa rin sa batas-trapiko kahit ipinahinto muna ng korte suprema ang implementasyon ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP).