Maagang pinilahan ng mga estudyante ang huling araw ng pamamahagi ng educational aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Vocational Rehabilitation Center (NVRC) sa Quezon City.
Karamihan sa mga pumila ay mula sa Valenzuela City at noong nakaraang buwan pa nagparehistro pero, kahapon lamang nakatanggap ng text confirmation mula sa DSWD para sa payout.
Nabatid na apat na lugar ang itinalaga ng kagawaran para sa pamimigay ng eductional assistance sa NCR, kabilang dito ang tanggapan ng DSWD-NCR sa Gastambide, NVRC sa project 4, rise garden sa Quezon City hall compound, Las Piñas senior citizen center at Heritage Homes BF resort village.