Nilangaw ang huling araw ng pagpapa-rehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections ngayong araw.
Sa twitter post ni COMELEC Spokesman James Jimenez, makikitang napakaluwag ng COMELEC Main Office malayo sa masikip at magulong sitwasyon sa mga nakalipas na deadline sa pagpaparehistro.
Maging sa tanggapan nito sa Quezon City ay kakaunti rin ang mga taong dumating para humabol sa huling araw ng registration.
Sinabi ni Jimenez na posibleng ang kakaunting mga nagparehistro ay dahil sa bantang postponement ng eleksyon.
Aniya, posible ring naging epektibo ang satellite registration kaya kakaunti lamang ang nagparehistro sa mga tanggapan ng COMELEC at ang mga nauna nang registration period bago pa na postponed ang eleksyon noong 2016.
Sa tala ng COMELEC nitong Abril, mayroon ng 2. 2 milyon ang mga bagong nagparehistro at inaasahang madagdagdagan pa ito para makumpleto ang target na 2.5 mililion registrants.
By Rianne Briones
Photo Credit: COMELEC Spokesman James Jimenez Twitter Account